Thursday, May 12, 2011

Lubid

Minsan, inaamin kong tumitingin ako sa mga kisame at naghahanap ng mga pwedeng pagsabitan ng lubid. Pero hindi ako kagaya ng mga tipikal na emo na naiisip kitilin ang sariling buhay dahil malungkot lang sila o mag-isa o dahil hindi nila nakuha ang gusto nila o anuman. Ayos lang talaga ako ngayon, kung tutuusin. Wala naman talaga akong dahilan kundi napapagod na lang akong mabuhay. Parang gusto ko na lang talagang mamahinga. Napapagod ako kasi masyado akong maraming nararamdamang mga emosyon. Kumbaga sa absorbance, mataas ang aking absorptivity coefficient.

Aminado naman akong selfish sa pag-iisip nito. Kaya nga bago ako magpakamatay, paghahandaan ko naman ito. Magpapaliwanag naman ako nang maayos.

Hindi naman kasi ako natatakot sa kamatayan. Matagal ko nang natanggap sa sarili ko na kahit anong oras, pwedeng mamatay kahit sinuman. Kaya nga wala na akong preno sa mga bagong karanasan. Pasok lang ako nang pasok sa mga kakaibang sitwasyon kasi ayaw kong palampasin ang mga ganitong bagay. Sa ngayon, pakiramdam ko medyo sapat na yung naranasan ko, lalo na kung ikukumpara ko sa mga tao sa paligid ko. Ayos na ko doon.

Matagal-tagal ko na ring napakawalan ang ilusyon na may langit. Sapat na sa akin na mabuhay ako sa alaala ng mga taong nakasalimuha ko kapag namatay na ako. Pakiramdam ko naman, marami na rin akong mga naiwang masasayang alaala. Ayos na ko doon.

Iniisip ko din kung sapat na ba ang mga ginawa ko para mapabuti ang mundo. Kung may naiwan ba akong sapat na mga aral, lalo na sa mga naging estudyante ko at sa mga nakakabasa ng blog ko. Malay mo, kapag namatay na ako, may mag-interes sa blog ko. May mag-isip na gawin siyang libro. E di sa ganoong paraan, mas marami akong nagawang mabuti sa mundo. Hindi na naman siguro masam yun di ba? Ayos na ko doon.

Alam ko na marami pang pwedeng mangyari sa buhay ko. Kung bibigay na ako ngayon, hindi ko mararanasan ang marami pang masasayang bagay sa hinaharap ko. Pero maiiwasan ko din ang mga masakit na pangyayari di ba? Parang quits lang din.

Hindi ko ginugustong mag-panic ang mga kaibigan ko dahil dito. Hindi ko kinakailangan ng payo o ng tulong. Ayos lang ako, at sa tingin ko, kahit ano pa mang pagkukumbinisi nila sa akin ay may nakahandana na akong sagot. Matagal ko na ding napag-isipan ang bagay na ito. Alam ko ang ginagawa ko.

Minsan gusto mo lang talagang magpahinga na. Nalubos ko naman ang buhay ko. Ayos na ko dito. Masaya na ako sa ganun.

Oo, napanood ko na yung mga hopeful videos o stories. May epekto sila, oo, pero hindi pa din sapat yung mga yun. Alam ko, sasabihin ng iba, walang problema na hindi kayang masolusyonan. E hindi nga ako problemado di ba? Your argument is invalid.

Minsan gusto mo lang magpakamatay dahil gusto mo lang.

Tapos.


Simple lang naman di ba?

No comments:

Post a Comment