Friday, October 13, 2006

Student-Teacher Relationship

Pasukan na naman sa isang buwan. Excited na ako. May makikilala na namang mga bagong mukha, mga bagong kaibigan. Marami na namang magagawang bagong mga jokes sa klase ko, mga moments. Bagong mga alaala na magiging parte na naman ng aking buhay.



Sa totoo lang, hindi ko lubusang maintindihan kung bakit ganito ako ka-attached sa aking mga estudyante at sa aking trabaho. Siguro, kung kilala mo ako personally nang kaunti, hindi mo iisiping ganung klase ako ng guro ('yung mabait kuno). Iisipin mo na isa akong normal na guro - strict, boring, mahirap magpa-exam, hindi approachable, etc.



Ewan ko nga ba. Nang pasukin ko ang larangang ito, hindi ko naisip na magiging ganito ka-OA ang enjoyment at fulfillment ko sa pagtuturo. Para bang ito talaga ang nararapat na trabaho para sa akin. Yung tipong laid back lang dahil may pagkatamad ako. Yung tipong para kang artista habang nasa harap ka ng mga students mo pero at the same time nagtuturo ka din ng lesson. Yung tipong binabantayan mo ang lab students mo habang nagkwekwentuhan occasionally at nakikipag-friends na din.



Ang saya talaga maging teacher. Iba ang fulfillment kapag naibibigay mo sa mga estudyante mo ang mga bagay na gagamitin nila sa kanilang mga future. Tapos what makes it nicer is the fact that they're already your friends. Kilala mo na sila at close ka sa kanila kaya ang ganda ng feeling kapag natutulungan mo sila. Hindi yung kagaya ng ibang teacher na hindi nafeefeel ang fulfillment dahil hindi sila motivated kasi nga hindi naman nila kilala yung mga tinuturuan nila - hindi nila nakukuha yung sense ng kanilang trabaho. Mas masaya ang roles ng teacher at students kong may bonding talaga.



Pero take note, para maging close sa mga students, hindi mo kinakailangang maging mabait lang. Kasi kapag mabait ka lang, pero hindi ka talaga "one" with your students, aabusuhin ka lang nila. Dapat nagagalit ka din occasionally kung may reason, at ipapaliwanag mo sa kanila kung bakit ka nagalit. That way, if ever may nakakalimot man sa linya between teachers and students, maipapaalala mo sa kanila na hindi ka nila kachokaran na pwedeng balewalain at all times.



Iyon. That's the technique. Be one with your students. Para sa akin kasi, madali lang iyon dahil hindi pa naman ako ganun katanda (hindi talaga). Alam ko pa kung gaano kahirap ang buhay ng isang UP student kaya naiintindihan ko sila. Actually, kapag naging friends mo na students mo, hindi mo na kailangang mag-effort pa e. Everything follows after that. Makipag-lunch ka with them. Hang out habang nagyoyosi.



Pero sadly, all good things come to an end. Masakit para sa akin (no joke) kapag patapos na ang sem. Kasi yung mga friends mo, mawawala na. Maghihiwalay na kayo. Kahit ano pang sabihin natin na "friends pa din tayo" o kahit idagdag niyo pa na "text-text na lang", after ng sem, iba na talaga ang lahat. Kanya-kanya na tayo ng direksyon at mga ginagawa. Sa pagtatapos ng sem, mawawala na ang nagbuklod sa atin - ang klase. Kung ano ang dahilan ng pagkakakilala natin sa isa't isa, iyon din ang magdudulot ng katapusan nito.



Nakakaiyak balikan ang lahat ng mga naging klase ko. Bawat klase may kanya-kanyang moments, mga pasaway at mababait na students. Merong mga henyo't henya sa Chem , meron ding kailangan ng additional help. Ang mga bloopers tuwing may experiment. Ang mga tuksuhan sa mga nabubuong love teams (kaya nga lab e). Ang mga awayan na kailangan pang i-open forum. Lahat. LAHAT ng iyon ay nasa puso ko pa rin hanggang ngayon. Nakakalungkot dahil sana forever na tayong magkakasama lahat. Pero ganoon talaga ang life...



Tanggap ko na na lagi na lang akong magiging ganito. Bawat sembreak na lang, luluha nang konti diyan habang binabasa ang inyong mga "love letters", habang tinitingnan ang mga trinkets na ibinigay niyo sa akin, binabasa ang mga essays ninyo. Iiyak na lang habang nakikita ko sa isip ko ang mga mukha ninyo habang nasa lab tayo. Kung saan parang naglalaro lang tayo dahil ang saya natin lahat. Biruan dito, kwentuhan diyan, hanggang sa hindi natin namalayan na patapos na pala ang period natin. Patapos na pala ang sem.



Tapos na, mga students ko. Tapos na ang sem. Wala na ako. Wala na kayo. Pero naaalala ko pa rin ang lahat ng mga napagdaanan natin. Sana hindi niyo ko makalimutan. Sana kahit tumanda na tayo lahat, maisip pa din natin na minsan, sa isnag dumihing kwarto sa Chem Pav, may nabuong mga pagkakaibigan. May nabuong mga alaala na minsan sa buhay natin, napagsabay nating maging masaya at tumawa habang nag-aaral tayo ng kimika.



Paalam sa inyo mga students ko. Salamat sa isang maligayang sem na pinagsamahan natin. One big HUG for ALL of you!!! Mamimiss ko kayong lahat! Huwag niyong kakalimutan ang mga pinagsamahan natin...



:c

4 comments:

  1. SIYEMPRE, AS LONG AS YOU LOVE what you're doing, super fun talga yun. sir, thanks sa CD. like it..=) makikita pa rin kita noh kasi lagi ka magkakape sa tearoom... hahaha miss you.. yehess!

    ReplyDelete
  2. ikaw lang talaga kilala kong instructor na ganyan. lahat nung mga nakilala kong iba, kahit pa mabait or cool sila, tingin nila sa sarili nila mga dyos at dyosa na alam na nila ang lahat at nuknukan ka na ng tanga kapag di mo nasagot yung "simpleng tanong" daw nila...

    you know why you're different? (kahit pa hindi naman tayo nagkasama ng matagal) eh kasi hindi mo tinitingnan na trabaho yung trabaho mo. Pag trabaho kasi, tingin mo ginagawa mo lang for the sake of the sweldo (and para sa title na rin), pero ikaw hindi ka ganun eh..literal kang tumutulong..

    (tissue, tissue!)

    hindi kita binobola sir ha..totoo yun. and keep it up, balang araw ino-nominate kita sa "Bayaning Guro"..

    ismayl!!

    ReplyDelete
  3. awwww!!! heart ya sir! you made chem reallly fun! as in!!! di ko nga akalain i enjoyed chem so much. you made it easier to love. hehe. lovable din kasi kayo eh!!! thanks for all the memories. keep in touch! i'd be reading your blog every now and then! kudos to your honest and entertaining blogs. hihi. thanks again for the cd. i love it!!! take care. :)

    ReplyDelete