Malamig sa Sunken. Kahit na medyo mataas na ang araw, sa lilim ng mga puno, may konting "breeze". Pero doon sa gitna kami maglalaro ng frisbee, kasama ang mga students ko. At siyempre kasama din si baby. Hehe. Naisip ko nga na ang kulang na lang siguro ay musika sa background at alak para makumpleto na ang kaligayahan ko.
Hawakan mo ang frisbee. Maraming klase ng paghawak pero piliin mo na lang yung kung saan ka pinaka-komportable. Dapat good ang grip para malayo ang marating ng frisbee at tatama naman sa target.
Actually, hindi naman talaga kasali si baby. Nanood lang siya kasi ayaw niya nang napapagod. Anyway, nagwarm-up muna kami. Si Nikko nga may nalalaman pang aerobics. Haha. Naglaro muna kami ng imbento kong laro. Yung tipong volleyball-type na frisbee game. Dalawang teams: Dark-colored shirts versus light-colored. White ang suot kong shirt noon.
May tamang porma din dapat ang katawan. Dapat hindi parallel ang iyong mga binti. May konting pag-bend din ng mga tuhod. In a way, para kang magbobowling.
Nagsimula na ang game at dahil nasa east ang araw, north and south ang posisyon namin. Unfair nga dahil nasa shade ang team namin pero kami naman yung nasa may "creek" kaya pahirapan tuloy kapag hindi nasasalo yung frisbee or "out of bounds" na nangyayari most of the time. Most improved player si Lailah. Pero si Ishe, patabingi pa rin ang pagtira. Hehe. Sina Daisy naman meron pang nalalamang fusion technique from Dragonball Z bago tumira.
Kapag tama na ang posisyon ng iyong katawan, tingnan mong maigi ang kondisyon ng paligid. Mahangin ba? Saang direksyon? Ang araw nasaan? Tandaan mong ang goal mo ay hindi lang maitapon ang frisbee kundi maitapon ito para masalo nang kasama mo.
After ng warmup, nagsimula na kaming mag-Ultimate Frisbee kaso hindi ganoon kadali dahil naghanap muna kami ng suitable na goals. Nagpunta sila sa gitna ng Sunken samantalang bumalik muna ako kay baby dahil ang alam ko, pauwi na siya. Pagkatapos ko siyang ihatid, naka-ready na. Mas mataas at mas malaki yung isang goal pero ayos lang daw dahil si Nikko naman ang magbabantay.
Ngayon, tingnan mo naman ang iyong destinasyon. Sino ba ang sasalo? Maliit ba siya o matangkad? Dapat ayusin mo ang iyong focus para sigurado kang pagtapon mo, masasalo niya. Tandaan: in essence, horizontal ang pagtapon. Kapag malayuan, siyempre kailangang itaas mo ang tapon pero beginner ka pa lang naman eh.
Sinimulan na ang laro. Maraming nagkamali agad dahil sa traveling (kasama na ako). Marami ring hindi nasasalo kaya lumilipat lagi ang possession ng frisbee. Pero mas masaya ngayon. Astig. Gumagaling na ang mga students ko. Lalo na si Cleo kahit na minsan ay nagiging violent na. Hehe. Siyempre si Kara at si Jerome magagaling pa din. Ever since naman eh. Si Daisy ang galing mag-block. Si Ian at Jessica game na game din. Alam kaya nilang last time na itong paglalro namin? Ang score 3:1, leading kami.
At kung handa ka nang itapon ang frisbee. Kung alam mo na ang iyong destinasyon. Kung alam mo na kung paano igagalaw ang iyong braso at mga binti. Kung alam mo na kung saan mo dapat itapon ang frisbee...
Pagkatapos ng break, dumating na si Kat na hindi pa daw naliligo. Tinuloy ang laro matapos manood ng soccer game ng mga kiddos. Si Kat, dahil hindi naligo, hindi tuloy makuha ang frisbee. Hehe. Nahabol tuloy ng kabilang team ang score. Natapos ang laro nang 4:6 ang score. Panalo ang dark-colored shirt team.
Kung handa ka nang itapon ang frisbee, pakawalan mo ito.
Nauna na akong umalis dahil may magpapaturo pa sa akin na ibang 28.1 students. Umalis na ako. "Magkikita pa kaya tayo?" ang tanong ko sa kanila. "Oo naman Sir!" sabi nila. "Babay," sabi ko. "Mwahmwah" at tumalikod na ako dahil ayaw ko nang mag-emote pa.
Ang frisbee... Pakawalan mo...
Natapos na naman ang isang sem. At sa bawat pag-alis ng isang batch ng mga students, may dumadagdag na mga alaala. Sabi nga ni Doreen, hindi magiging mas mahirap ang pagtatapos ng aming klase kung hindi kami naging close. Kung hindi dahil sa akin, sabi nila.
Pakawalan mo...
Wala na akong mga kakwentuhan during at after ng class...
Wala nang makikinig sa aking mga kuwento tungkol kay X, Y, Z, O, at alpha...
Wala nang tawanan...
Wala nang dramahan...
Wala nang "life's lessons"...
Pakawalan mo...
Wala nang album updates...
Wala nang Gwen Stefani bonus questions...
Wala na kong ka-frisbee...
Isang sem lang ang lumipas at pagkatapos nun, wala na. Kaput!
Pakawalan mo...
Tapos na at mga alaala na lang ang natira.
Pakawalan mo...
Paalam sa mga estudyante ko. Hindi niyo lang alam na kayo ang nagbibigay ng kahulugan sa aking buhay. At alam niyo naman na totoo yun.
Pakawalan mo... dahil sasaluhin nila.
Paalam!
At ibabalik nila ulit sa iyo.
:(
ReplyDeleteSir....
ang drama naman po...
hehe...
nakakalungkot tlga isipin n maaaring di n tau mgkita kita...
bsta sir....
wlang kalimutan,ha...
naniniwla nman akong di nyo ggwin un...
may nklimutan pla q isulat sa intro ng gift nmin sa inyo....
kya hndi giant card, ay dhil s wla po kming nkta ni ishe sa SM north...pacenxa na....
Sir...I miss u nah....
waaahhhhh......
lam q, gnun dn clasm8s q....
pa2loy lng kau mgupd8 ng blog...
sa susunod uli, sir...
bye...
sna mgkita kita tau ulit...
:(
:|
ReplyDeleteandun si D?
gusto ko na tulog magchem ulit. :(
tuloy pala. oops.
ReplyDelete...
nakakamiss tlaga. :(
sir... :(
ReplyDeletekakaiyak naman yang ipinost niyo...
mamimiss ko talaga kayo..
lahat kayo..
na nagpasaya ng college life ko..
lahat kayo...
na nagpabago ng ilan sa mga desisyon ko..
at lahat kayo...
na nagpa-realize sa akin...
na maraming paraan para maging masaya sa buhay...
although i've only known you for months, i assure you that the memories we've shared will always be remembered not just for months but for forever...:)
dito lang kami..
para san pa ang internet?
para san pa ang ym at friendster diba?
Take care...
thanks po sa lahat sir... :)
Crap!! nakakaiyak nmn!! sobrng saya and proud aq n nging part aq ng TFU1XY2..my 2nd sem would have been a lot different (sobrng boring) kung d aq napunta sa kem lab class n2..tnk u tlg sa lahat.. mabigat s loob q n kinailangan qng mag-gudbye sa inyo hehehe..d q inexpect n magiging attached aq s inyo..haayy..tnks po tlg...haaayyyyy...
ReplyDelete