Thursday, July 26, 2007

Tag-Ulan

Kapag tag-ulan, parang may pakiramdam kang mag-emote. May kakaiba ka kasing feeling. Malamig. Tapos parang nahahaluan ng pagka-gray ang paligid mo. Araw man o gabi, may dalang charm sa akin ang ulan. Parang ang lungkot. Ang emo. Kakaiba.


Minsan, iniisip kong maglakad sa ulan nang walang payong at nakikinig sa music. Pero parang ang hirap gawin. Bukod sa magmumukha kang weird, masisira pa yung player mo. Sana may private open place ako na may malapit na malakas na player para makapag-emote nang may music. Astig. Dapat magawa ko yun bago mamatay.


Naisip ko lang kung gaano kalakas ang impluwensya ng mga tao sa paligid natin. Kagaya nga nun, gusto ko sana maglakad sa ulan. Kaso mapapansin ako ng mga tao kaya tuloy, masisira ang pag-eemote ko. Titingin sila sa akin. Magtataka. Maguguluhan. Magiging concerned sa katinuan ko. Bakit ba kailangang mag-payong ang lahat ng tao? Minsan, gusto mo lang talagang mabasa nang ulan at mag-emote.


Siyempre, hindi lang ganun ka-simpleng gawin ang paglalakad sa ulan. Dapat feel mo talagang gawin yun. At mas magandang hindi siya planado dahil mawawala ang moment mo. Yun nga ang isang magandang bagay dun - hindi mo kasi malalaman kung kailan uulan. Feel mo nga mag-emote eh kung hindi naman umuulan... Umuulan nga eh di mo naman feel mag-emote... Kakaiba.


Marami akong naaalala kapag umuulan. Mga bagay na dapat kalimutan. Mga bagay na nangyari at bumago sa aking buhay. Minsan, gusto mo na lang tumingala sa langit habang lumuluha ka. Para hindi mapansin ng mga tao na umiiyak ka nga. Surreal siguro ang pakiramdam nun, magkahalong luha at ulan. Na parang ikaw din ang langit at ang mga luha mo ay ang mga patak ng ulan. Na parang nakikiramay ang mga ulap sa iyo.


Ang weird lang minsan.


Tapos kapag tapos na yung ulan, may literal na washed out feeling ang mga kapaligiran. Parang malinis ulit. Fresh. Pati yung pakiramdam mo maaliwalas na ulit. Parang kapag umiyak ka na, magaan na ulit yung feeling mo. Kakaiba.


Pero ang sigurado ako, natatapos din ang ulan. Kahit anong ulan pa iyan... Matatapos din. Pana-panahon. Panahon mag-emote. Panahon para magsaya.


In fairness, pwede ka nga din palang mag-"dancing in the rain".

3 comments:

  1. Tara uulan na ata e. labas tayo at kumanta! 4 in the morning tapos tutuloy na yan sa bagyo. hahahaha!

    ReplyDelete
  2. Tara uulan na ata e. labas tayo at kumanta! 4 in the morning tapos tutuloy na yan sa bagyo. hahahaha!

    ReplyDelete
  3. ah. madali lang ipredict yan. umuulan basta kailangan ko lumabas ng building. :p

    ReplyDelete