Tuesday, September 25, 2012

Sa CR ng AS

Palubog na ang araw nang
Nag-CR ako
Sa AS first floor
Nandun ako sa kanang bahagi
Doon sa mga
Cubicles

Sa tapat ng mga lababo
Ay ang salamin
At habang
Naghuhugas ako ng kamay
Ay doon ko nakita
Na meron pala akong kasama

Pero wala namang kaso
Dahil
Normal lang yun
Hindi ko pinuna
Lalo na't
Nakita kong
Prof siya

Naka-salamin
May puti na ang buhok
May kamukha siyang
Taga-Chem
Pero hindi ko siya kilala

Napansin kong
Matagal lang siyang nakatayo sa likod ko
Napansin kong
Kakaiba yun
Pero hindi ko naman siya
Tinitingnan sa mukha
Kasi nakakahiya

Maya-maya din
Umalis na siya
At tuloy ang
Paghuhugas ko ng kamay
At iniisip kong
Medyo weird yata siya
Pero laking gulat ko nang
Nakita ko sa salamin
Na bumalik siya ulit

Lumakad siya
Papunta sa isang
Cubicle
Doon sa dulo
Yung mas maluwag
Kumpara sa iba

At tumayo siya dun
Habang nakatitig sa akin
Tumango ang kanyang ulo
Na tila ba yun ay
Isang paanyaya

At sa laking gulat ko
Sa aking naintindihan
Ay kumaripas ako
Nang takbo
Pabalik sa tambayan

Anong nangyari sa iyo?
Tanong ng mga ka-org ko
Ang putla mo
At tumawa na lang ako

Ngunit hanggang ngayon
Naiisip ko pa din
Paano kaya
Kung kumagat ako
Paano kaya
Kung sumunod ako
Dun sa cubicle

Siguro
Mas marami sana akong
Naiintindihan
Sa buhay namin
Sa buhay ng mga kagaya kong
May iba pang pangangailangan
Sa mga CR



No comments:

Post a Comment