BABALA: MAAARING HINDI ANGKOP SA MGA BATA.
***
Secretly, gusto ko maging pokpok.
Gusto ko maging kaladkarin. Gusto ko kalabitin. Gusto ko maging kabit.
Gusto ko yung hihilahin na lang ako kung saan-saan tapos isusulasok nila yung kamay nila sa kung saan-saan. Gusto ko yung ipapader nila ako tapos wala na akong magagawa. Gusto ko maging mahina. Gusto ko maging biktima at ma-puwersa. Gusto ko yung wala akong kawala.
Gusto ko yung tipong mayuyurak ang aking pagkatao. Gusto ko yung pagkatapos akong gamitin, pupulutin ko ang sarili ko mula sa sahig. Nakatulala lang at walang nakikita.
Yes... Secretly, gusto ko maging pokpok.
Kasi kapag ganun, namamatay ang iyong emosyon. Kapag ganun, namamatay din ang iyong utak. Laman lang talaga. Laman. Kahayukan. Libog. Laswa. Walang konsepto ng romansa. Walang dignidad. Walang respeto. Mga hayop lang kayo. Kahayupan lang ang umiiral.
Sinubukan ko din naman. Tiningnan ko kung kaya ko. Fully-booked ang weekend. Sunod-sunod, nakapila. Laway ng isa ipapasa ko sa iba. Halo-halong pawis sa kumot. Ang mga amoy nila sa katawan ko. Iba-ibang body parts, iba-ibang pabango. Puyat palagi. Ngalay na. Masakit na. Maga na. Manhid na. Laspag kung laspag.
Siguro kasi, gusto ko lang may maka-tagos sa akin. May makapasok. Minsan, ang tataas na ng mga pader ko, na kahit ako hindi na makalabas. Kaya pinapa-uga ko lang sa kanila. Uga lang nang uga. Malay mo, may makasira. Malay mo, makawala din ako.
Pero mali pa din ito, kasi may dahilan pa din ako. Dapat wala. Dapat basta lang talaga.
Ganun sila eh, ang mga pokpok. Ganun sila.
Paano kaya ang mabuhay nang walang dahilan?
Gusto ko lang naman malaman. Gusto ko lang maintindihan. Yun lang.
Kaya yes, secretly, gusto ko maging pokpok.
Ikaw, gusto mo?
No comments:
Post a Comment