Saturday, March 29, 2014

Biochem 3

Sana teacher na lang ako forever. Sana wala nang ibang aspeto pa ang buhay ko kundi yun na lang. Kasi kapag nag-aalala ako sa grades nila or kapag kino-comfort ko sila or kapag effort na effort ako magturo, nakakalimutan ko yung sarili kong buhay. Na kapag hot na hot ako bilang passionate teacher, somehow nagiging sapat na iyon. Hindi ko na naiisip na malungkot ako sa bahay. Hindi ko na naiisip na mag-isa pa rin ako hanggang ngayon.

Masarap yung feeling na na-aappreciate ako ng mga students ko kahit papaano. Minsan kapag ganun, may moment na feeling ko sapat na yun for me to go on. Yung noble happiness churva na yun. Nararamdaman ko yun minsan. Pero kasi paglabas ko ng classroom or paglabas ko ng school I'm back to being just "Bry." At kahit anong focus mo sa pagtuturo hindi ka naman magiging focused dun all the time. Haharapin ko din ang mga personal kong problema.

Sana ma-stuck na lang akong teacher. Sana ma-lock yung room tapos "Sir Bry" na lang ako forever. Kasi kapag "Sir Bry" ako masaya ako. Minamahal ako. Na-aappreciate ako. Kasama ko yung mga mahal na mahal kong students na kung pwede lang hindi na kami maghiwalay pa. Pero heto iiwan na nila ako. Ga-graduate na sila. At heto umiiyak nga ako ngayon kasi alam kong sobrang mamimiss ko sila. Na akala nila petiks lang ako on the outside. Puro patawa lang. Puro bitchiness lang. Pero deep inside nagpapanggap lang din ako.

Bakit kasi kailangan pang matapos ang mga bagay-bagay sa buhay ko? May darating. Tapos ma-aattach ako. Magiging friends ko sila. Tapos aalis na din. Aalis na. Tapos ako naman 'tong si tanga na nagpaka-attach kasi. Sana lagi ko na lang silang kasama. Sana may Biochem 3. Biochem 4.

Kasi bakit ako na lang lagi ang naiiwan? Puwede bang may mag-stay din for me? Kapatid ko. Mga ex ko. Mga kaibigan ko from UP. Ngayon mga AdU students ko. Sana lagi na lang kaming magkakasama... Sana may mag-stay din kahit minsan lang sa buhay ko.

Paano na ang soulmate kong si CJ? My one and only Mars at si Nuydy? Si Hard (now softer) Sheryl and Aki went to market? Paano na si Bebe? My Ate Mikko? Si Anton na parang reincarnation ni Jamila? Si Roy na nahihiya pa din sa akin at si Gui na never naman nahiya? Ang maliligayang moments ni Ate Joyce at Kuya Kenneth? Si Apol (na hindi pa din sumasama sa amin) at lalo na si Pards my new best friend?

Ayoko na di na ko makasulat iiyak ko na lang muna siguro to...




No comments:

Post a Comment