"Bakit parang iba ka na magsalita sa akin ngayon?"
"Ha? Paano?"
"Ewan ko. Parang ang hyper mo lagi. Parang ibang tao na ako sa iyo ngayon..."
"E hindi mo naman kasi maeexpect na magiging ganun pa rin ako. Siyempre nagbabago din ako..."
***
Kinukwentuhan ako ni Chiyo ng mga pangyayari sa kanya at ng kanyang "childhood friend". Noong una, masakit para sa akin. Hindi ko siya matingnan sa mata habang tuwang-tuwa siya sa pagrerelate ng mga events sa buhay niya ngayon. Para kasing nagkaroon kami ng drift simula noong makilala ko si Cookie, at nang pumasok muli sa eksena ang kanyang "childhood friend" na itago na lang natin sa pangalang Peanuts. Para bang hindi ko matanggal sa sarili ko ang bitterness na meron na agad siyang bagong romansa, samantalang ako ay single pa din.
Nagpunta ako sa apartment na tinitirahan niya ngayon, at nagcatch-up kami sa isa't isa. Kinuwento niya sa akin ang kanyang mga shopping escapades at stress sa trabaho, samantalang kinuwento ko naman sa kanya ang aking pagpunta sa gym at ang aking pagpupuyat.
Hindi ko talaga maalis sa aking isipan ang pagbabago sa kanyang boses. Para bang ang cheerful niya. Hindi ako sanay na ganun siya dahil kilalang-kilala ko na siya sa mahigit isang taon kaming magkasama sa isang bahay. Ilang buwan ding namuhay na parang mag-asawa. Tinanong ko ang sarili ko kung bakit ganoon? Dapat ba talagang magbago ang turingan namin sa isa't isa? Hindi na ba kami friends kagaya nang dati? "Others" na ba ako?
Maya-maya, pinag-usapan na din namin ang lahat, pati ang mga bagay na hindi usually kinukwento ng mag-ex. Nagkwento na siya tungkol kay Peanuts at ipinakilala ko na nang husto si Cookie. Inilahad ko ang mga problemang naranasan namin, ang mga bloopers at katangahan ko. Inilahad ko ang mga worries ko, ang mga hopes ko about sa amin. Nag-advice kami sa isa't isa tungkol sa bagong mga taong naiinvolve sa amin ngayon.
Tinawagan niya si Chie-Chie, isang common friend na na-involve din sa akin noon. Noong una, natatakot akong kausapin siya dahil ang dinig ko ay galit siya sa akin dahil sa mga pinaggagawa ko lately. Pero noong nagkausap na kami, natauhan ako at na-realize kong friends pa din talaga kami. Nagbiruan pa din kami at nagkamustahan. Chinika ko siya kung ano nang bago sa akin, at nagshare naman siya about her upcoming engagement.
Ang bilis talaga nang panahon. Si Chie-Chie, malapit nang ikasal, pero naaalala ko pa ang mga moments namin sa Nueva Vizcaya, sa van ni Roldan, at sa PH1100. Si Chiyo, may bagong romansa na, pero naalala ko pa din ang mga moments namin sa rooftop, sa ATC, at sa apartment. Parang kailan lang ang lahat pero lahat kami ngayon ay nagmove-on na.
Umalis ako sa apartment ni Chiyo na magaan ang loob. Bumalik na ang kanyang dating boses. Bumalik na ang aming dating samahan. Nawala na ang drift at pareho na kaming maligaya sa magkaibang landas na tinatahak namin.
"Sige..." ang paalam ko habang nasa labas na ako.
"Sige..." sabi niya habang sinasara ang pinto.
"Baka may tae ng pusa dito ha" sabi ko kasi madilim sa labas.
"Gagi wala... Sana nga. Hehe joke."
Naiwan ako sa madilim na hallway, kampanteng naglalakad dahil alam ko na walang tae ng pusa sa aking lalakaran. Wala nang sasagabal sa aming dalawa para matagpuan namin kung sino ba talaga ang nararapat para sa amin.
congats at mukhang happy ka na sa lyf mo ngaun =) o ayan bry ha nag comment na mi =)
ReplyDeletehindi naman bagong romansa yun e. hindi naman kami.
ReplyDelete"Horacio, you have to go or everything will be squashed peanuts!"
hayyy...nakakatuwa naman kasi we are all growing up...i met joy's bf na pala...of all places sa E.Rodriguez Sr Blvd pa...in front of St.Luke's Med habang naghihintay ako ng taxi papuntang Circles, Makati Shang para makipag-dinner sa mga European Molecular Biologists na bisita namin sa laboratory...ang wish ko para sa ating lahat...all the best di lang sa carreers naten but to all that our hearts desire...
ReplyDeletei'm happy for you bry...
ReplyDeleteok yan na we're trying to deal with our life matters as adults.
hahaha! parang tunay!
basta tandaan mo lang na walang eklavu na di kayang i-chenelin