Wednesday, September 20, 2006

Prostitute

Tumigil na ang ulan at lumabas na kami sa apartment. Ihatid ko daw siya, sabi niya. Naisip ko na hindi na siya bata para ihatid pa, pero ano bang magagawa ko? Kung tutuusin, siya ang naka-"jackpot" sa akin ngayon, at ako ang may karapatang humingi ng mga pabor. Pero ano nga ba talagang magagawa ko?


Sumakay kami sa taxi. Tahimik. Pagod. Nakatingin lang sa bintana. Umiinom siya ng takeout softdrinks mula sa KFC, ako naman, hawak ko ang aking payong sa isang maiskandalong posisyon. Ngunit imbis na maligalig ako sa aking ginagawa, wala akong nararamdaman. Wala akong iniisip kung hindi ang kahiwagaan ng pakikipagrelasyon.


Naisip ko kung gaano pala talaga kahirap ang makahanap ng isang taong tunay na makakasundo mo. Yung tipo ng taong babagay sa moods mo, sa ugali mo, sa trabaho mo, sa habits mo. Ang hirap. Lalo na para sa mga kagaya ko na inaalipusta pa rin ng lipunan hanggang ngayon.


Nakarating na kami kung saan niya gustong bumaba. Bumaba na rin ako dahil may bibilihin pa ako. Minsan, kakaibang isipin na sa lahat ng nangyari ay parang hindi pa rin kami talagang magkasama. Para kaming mga strangers na nagkataon lang na sabay maglakad at may common na pupuntahan. Hindi ko siya kinakausap dahil wala namang kailangang pag-usapan. Nagawa ko na ang trabaho ko. Yun lang.


Kinabahan ako sa aking naramdaman. Ganun ba talaga iyon? Bakit ba kasi kailangan ko pang gawin iyon? Naisip ko lang, nagawa ko na din naman ito nang ilang beses na, at pareho lang naman ang reaksyon ko sa nangyari ngayon. Coldness. Detachment. Nothingness.


Ganun ba talaga iyon?  Hindi ba siya sagradong bagay na hindi lang basta-basta pinapakawalan? Dahil sa pagnanais ko na maging cool at astig, na maging normal, ginagawa ko ang mga ganitong bagay. Pero bakit hindi ko ito ikinatutuwa? Wala akong nakukuhang release o contentment sa mga ganitong bagay. Ibig sabihin ba hindi ako cool at astig? O baka naman hindi lang ako mababaw kagaya nang iba?


Tama nga si Cookie, wala doon ang attachment. Malaki ang pinagkaiba ng sex sa making love.

3 comments: