Saturday, September 16, 2006

Cookie 2

Q: Good morning po!



A: ...



Q: Bad trip ka ba ngayon?



A: Mej...



Q: Bakit?

A: Ewan. Puyat kasi ako. Baka yun ang dahilan.



Q: Kamusta ka na?

A: Miss ko na si Cookie...



Q: Bakit Cookie ang tinatawag mo? Alam mo namang ayaw niya yun.



A: E tanga ka pala e, gusto mo pangalanan ko siya? Gusto mong makakuha siya ng sangkatutak na hate mails at maging mainit ang pangalan niya dito sa friendster at sa totoong mundo?



Q: Ay, hindi naman po... Sorry po... Ganun po ba kayo kasikat?



A: Hindi. Exaggerated yun. Pero ayoko kasi hindi pa naman kami, so useless din ang pagpapangalan ko. Baka mapahiya lang ako.



Q: So? Nililigawan lang naman pala e. Masama bang malaman ng ibang tao yun?



A: Hindi naman, pero baka din kasi ayaw niyang makilala siya agad.



Q: Bakit parang kapag nagsasalita ka, pang long-term na ang dating ninyo?



A: Ewan. I'm hoping kasi e. Wehehe! I'm in love... Haaaay....



Q: Talaga po? Ano bang nagustuhan mo sa kanya at naging ganyan ang effect niya sa iyo?



A: Nasa kanya na kasi ang lahat...



Q: Dahil doon lang nahulog ka na?



A: Hindi din. Syempre through time medyo nakikilala ko na siya. Yun ang mas nagustuhan ko. Natutuwa ako sa kanya e. May pagka-stoic nga siya actually pero ewan ko ba... Minsan pag text ko siya parang ang short ng mga replies niya. Pero still, sumasagot pa din siya kahit na ang dami nyang trabaho. Astig 'no?



Q: Astig nga. Feeling mo ba gusto ka rin niya?



A: Hmmm. Ewan. Pero the fact na hindi pa niya ko iniiwasan or inaaway means good di ba?



Q: Ummm, baka nga. Natanong mo na siya about that personally?



A: Yup.



Q: Ano sabi niya?



A: Elusive siya sumagot e. Natatakot din daw kasi syang mag fall too fast kaya gina-guard niya emotions niya. Pagtanong ko sa kanya kung miss niya ko, sasabihin niya siguro daw. Tapos "no comment" pa minsan...



Q: Mukhang mahirap pala siya ligawan...



A: Medyo. Pero gusto ko kasi siya e, so hanging on pa din ako.



Q: Bakit nacancel daw yung date niyo last Saturday?



A: Ay katangahan ko yun. Napag-usapan na naman namin. Change topic.



Q: Kailan ang last communication niyo?



A: Kahapon.



Q: Talaga? Ano pinag-usapan niyo?



A: Ideal men. Hahaha...



Q: Feeling mo ba na-miss ka din niya?



A: Ah... Oo.



Q: Kapal naman ng mukha niyo...



A: Putang-ina mo ha... Ginagalit mo ba kong hayup ka?!



Q: Ay sori sori po. Ummm... Kung may sasabihin ka sa kanya ngayon, ano yun?



A: Na miss ko siya... Wehehe! Pasensya na hindi ako sanay sabihin ang mga ganitong words e...  Na natutuwa ako at bibili na ulit siya ng fone bukas at ako ang unang itetext niya. Na...



Q: Ok. Tama na yun. Last question for this session pare. Anong favorite reply na nakuha mo sa kanya?



A: Yung smiley face na U.

1 comment: