Thursday, March 23, 2006

My Speech

This was the real speech I gave my chem 28.1 students yesterday (March 22) after their final exam. They insisted on having copies, so I told them that I will be posting this in my blog. Here goes...



March 22, 2006 5pm PH1318



Dear Class,



Hello! Kumusta na kayo. Haaay ang bilis talaga ng panahon. Parang kailan lang nung pumasok ako sa class niyo na naka-CS shirt at naka-gel para mas mukhang presentable. Ngayon, last day ko na kayong makikita. Last day na lahat tayo ay magiging kumpleto.



Bakit nga ba ang drama ko sa mga ganitong bagay? Bakit ba ang dami kong mga pauso at kaartehan sa klase? Bakit ba ko nasasaktan tuwing magtatapos ang sem?



Well, sabi ko nga sa sarili ko, ito na kasi ang buhay ko - ang maging guro. Nandito ang aking passion - ang matulungan ko ang aking mga students. Bukod sa tulungan silang makapasa sa kurso, gusto ko din na kahit papaano, nagsaya sila. Na kahit paano, nailabas nila ang tunay nilang pagkatao habang sila ay nasa klase ko.



Alam nyo class, mas madali kayong makakalimot. Kasi ako, buhay ko ito. Kayo, mga students. mas madami pa kayong magiging guro na mas kwela o mas magaling pa sa akin. Parang sa classroom di ba? Ako nasa table, tapos darating kayo, tapos aalis din. Ako maiiwan. Makakasama ko pa din ang reagents, ang sink, ang UV-Vis, ang mga glassware at dahil doon, mas mahirap na makalimutan ko kayo.



Sa totoo lang class, medyo namamanhid na ako sa dami ng mga students na nawala sa akin. Paulit-ulit na lang. Kayo kasi ang last class ko na mameemeet this sem kaya nagpumilit akong maging proctor nyo ulit.



Mamimiss ko nga ba kayo? Mamimiss ko ba ang Chem 28.1 TFWQR1 2nd sem 05-06? Mamimiss ko ba ang Christmas exchange gift natin? Ung house cup, ung "pinoy henyo" natin, o ung story sharing? Ung pagpunta natin sa Fair? Ung pagsakay natin sa Octopus na binansagang "Variety Show"? Ung pagtulog nyo sa grounds? Ung kaguluhan kung saan muntik nang maiwan si Mae at ma-stampedan? Ung attempt ko na maglaro tayo ng frisbee pero si Mae at Nica lang ang pumatos?



Mamimiss ko ba ang pagkalate ni Juanito? Ang pagkamaingay ni Mae? Ang pagkatahimik at well-behaved ni Nica? Ang alarm clock ni Gia at ang electric fan ni Aaron? Ang manliligaw ni Dhesz at ang mga nunal ni Jessa? Ang di pagligo ni RJ bago magreport at ang love team ni Sherry at Mr. Cuenco? Paano naman ang pang-iindian ni Stephen sa Fair o ang katangkaran ni Royson? At higit sa lahat, mamimiss ko ba ang boyfriend ni Loray?



Sa less than five months na magkakasama tayo, class, mukhang marami-rami na rin ang nangyari. Pero sabi nga ni Ely Buendia, lahat ng bagay ay mayroong hangganan. Malungkot, oo, at may choice akong hindi malungkot pero mas pipiliin ko pang umiyak dahil gusto kong maramdaman ang pagkawala ninyong lahat. Gusto kong maipadama sa inyo na naging mahalaga kayo sa buhay ko. Na habang kapiling ko kayo ay hindi ko naramdaman na ako ay nagtratrabaho lamang.



Kung iisipin, class, malungkot ang buhay ko. Pero kahit papaano ay sumasaya ako sa class natin, para tayong may fantasy world. Fantasy world na kung saan totoo ang Harry Potter. Na parang wala na akong mundo bukod sa 28.1. Na wala nang ibang hangarin kundi matapos ang experiment nang matino at on-time. Na wala nang mas importante pa sa kasiyahan natin habang naghihintay sa oven nung expt 2. Na parang nasa sariling mundo ako na kung saan masaya ako bilang si "Sir Bry" ng aking mga estudyante. Na parang wala na akong ibang pagkatao at buhay paglabas ko ng classroom.



Pero iyon nga class, lahat ay may katapusan. Ung iba sa inyo baka hindi ko na makita dahil magpapakasal na o mag-aartista. Ung iba naman baka maging mutants na at mag-enrol kay Professor X. Ung isa naman baka mahuli na ng MMDA sa noise pollution. Kahit ano pa ang mangyari at kung saan kayo mapunta, huwag nyong kalimutan na nandito lang ako. Huwag nyo kong ituring na "others" dahil hindi na kayo iba sa akin. Salamat sa CRS o sa manual enlistment dahil naging mga estudyante ko kayo. Sana ay hindi nyo ko makalimutan. (Mahal ko kayong lahat.)



Love, Sir Bry



1 comment:

  1. sir...
    gusto ko sanang sabihin na grabe, andrama naman ng taong 'to pero hindi ko magawa kasi totoo nga naman ung sinabi mo...may mga sitwasyon na mas madali kang makalimutan ng mga tao kesa sa makalimutan mo sila...may mga panahon rin na naiisip mo na nakakapagod na makakilala ng mga tao tas ang bagsak lang, kakalimutan ka nila or vice versa...hay...oh well...pero sir, seryoso 'to, it'd take a really long time bago ko kayo makalimutan...una dahil nakapost sa bulletin board ko ung binigay nyo sakin na prize na "It is the supreme art of the teacher to awaken joy in creative axpression and knowledge"..hehe at isa pa, dahil isa kayo sa mga tao sa UP na nakapagpabago sakin, in a good way syempre...saludo ako sa inyo sir!!sige po, un lang Ü

    ReplyDelete