Saturday, August 19, 2006

Boyfriend

Ha? Nampucha nagblog ka na naman Bry?! Three days in a row na ito. Mukhang gumugulo na naman ang makulay mong buhay a.



Halika nga dito. Ganito kasi. Ayusin natin. Tapusin na ang dapat tapusin. Kasi nasasaktan ka lang. Wala tayong magagawa. Hindi ka niya magugustuhan.



Hindi mo kasalanan yun!! Huwag kang mag-eemote dyan... Oo na. Oo siguro kung mas gwapo ka sa kanya (!) papayag siya. Pero hindi eh. Isa siyang demigod. Pakawalan mo na siya!



Ganito na lang. Isipin mo nga kung naging kayo. Ha? Ano? Magiging masaya ka? Tapos gagawin mo lahat para sumaya siya? E kung mas masaya siya sa iba? Sa babae? Papayagan mo siyang umalis? O bat di ka makasagot ngayon?



Alam mo kasi, Bry. Iba ka. Iba kang tao. Ang gulo mo. Lahat ng taong naaassociate sa iyo, ginugulo mo ang buhay. Guguluhin mo din ba ang buhay niya?



Ha? Naiisip mo pa rin ang happiness mo pag naging kayo kahit na ganun? Kahit na matikman mo lang for one hour masayang-masaya ka na? Pwede ka nang mamatay pagtapos nun? Kahit na guluhin mo buhay nya? Sabagay kung one hour lang naman...



Haaay Bry. Alam mo nalulungkot ako para sa iyo. Kasi nahihirapan kang pakawalan siya kasi hindi mo siya nakuha. Nasanay ka na makukuha mo ang nagugustuhan mo before pero putang-ina naman Bry. Akala mo ba diyos ka?



Kung mahal na mahal mo siya, isipin mo na lang na mas magiging masaya siya kung wala ka. Ay shet, ba't naluluha ka na naman? Psst wag dito!



Basta, mahirap man tanggapin, para sa kanya isa kang bad experience na dapat niyang iwanan. Hindi natin alam kung bakit naging big deal ang lahat para sa kanya. Siguro dahil simple pa ang kanyang buhay. Siguro dahil may pagka isip-bata pa siya. Sabi niya intindihin mo siya 'di ba? Kung mahal mo siya, intindihin mo siya.



Pero ano? Nahihirapan ka na? Nasasaktan ka na sa pag-iisip sa kanya kahit hindi mo naman siya pinipilit na isipin? Hay naku Bry, alam mo naman kung bakit nagustuhan mo siya di ba? Hindi yan love! Libog! Hehehe joke, baka infatuation lang or crush kung ano man ang difference nun.



Sige nga kung biglang mag-apparate siya sa harapan mo, anong gagawin mo? Ha? Bastos! Puro ka L! Magseryoso ka nga Bry... Kakausapin mo siya? Tapos? Iiyakan? Tapos kung papayag siya, hug mo siya? Tapos kiss? Hahahaha! Loko nangarap ka na naman. Drama mo naman tsong. Mas magugustuhan niya pa yung first suggestion mo.



Alam mo Bry, hintay hintay at hinay hinay ka lang kasi diyan. Darating din iyan, sus. Buti nga ikaw may mga prospects, yung iba talagang zero! At ikaw pa, e ang galing-galing mo manloko! Makakakuha ka agad dyan nang roromansahin... Trust me.



E ikaw din shongs ka e, binasted mo si **o. E di sana matagal ka nang nagka-... aaah eh secret nga pala.



Ganyan talaga life tsong. Hayaan mo na siya, kawalan nya yun. (Payagan nyo na magyabang, kawawa naman tong si Bry e.) Hindi ba ang dami mong gagawin sana no? Kung naging kayo? Wawa naman siya. 



Walang masama sa pagmamahal, Bry. Sige, mahalin mo siya kahit na wala ka namang mapapala na sa kanya. Ano mangyayari sa iyo? Manlulumo. E sino ba kasi mas mahalaga - siya o ikaw?



Siya? Yung walang kwentang kumag na yun na isip-bata? Aray! Ba't mo ko binatukan?!



O ikaw? Isa pang walang kwentang kumag na isip-bata? Kaya pala di mo siya makalimutan e, pareho kayo. (Toink!)



Basta bilisan mo na lang humanap ng (aaah eh secret pala) para matigil na ang pag-iisip mo sa kanya. Kung wala lang friendster no? Pero hindi mo naman siya kayang i-delete friend e. Masokista! Weakling! Alipin ng pag-ibig!



*** O sa mga readers, nagtataka ba kayo kung bakit "Boyfriend" ang title nito? Kung ganun, e di magtaka kayo! Hwehehehe!

3 comments:

  1. grabe, sir, ang senti ng blog mo. hehe. :) link kita ha.

    ReplyDelete
  2. muévase encendido, movimiento justo en…la vida tiene más a ofrecer que estropea de otras

    ReplyDelete
  3. huuwow...

    nagagawa nga naman ng pag-ibig oh...

    ReplyDelete