November 17, 2008
BABALA: Ang sumusunod na katha ay naglalaman ng mga maseselang eksena. Patnubay ng magulang ay kailangan.
Nilalaro ko ang buhangin gamit ang aking mga paa. Malamig ito sa pakiramdam. At pino. Lubog. Ahon. Lubog. Ahon. Nakakatuwang gawing alimango ang aking mga paa. Ngayon pa lang ako nakaranas ng inuman sa dalampasigan.
Marami nang lasing sa paligid ko. Yung isang kasama ko, napahiga na dahil sa hilo. Yung isa, nagmumuni-muni at nakaharap sa dagat. Yung isa, nawawala na - mukhang may kasama na. Yung boyfriend ko naman, bumalik sa kuwarto para mag-CR. At ako, naiwang nakaupo sa buhangin, katabi ang kandila, mga chips, at isang wala nang lamang pitsel ng Mindoro Sling.
Pinapanood ko ang mga nagsasayaw sa open bar sa aking harapan. Kanina lang, may nag-show na mga bading ala-Pussycat Dolls. May nag-Gwen Stefani pa nga. Nakakatuwa dahil sa Puerto Galera, mas marami pa yata ang mga bading kaysa sa tunay na lalaki, kaya tanggap ng lahat ang mga ganung kalandian. Malakas ang dance music, at pasado sa taste ko. Puro Britney Spears, Kylie Minogue, Rihanna, at Madonna. Parang ako yung DJ. Tumayo ako para sabayan si Kylie Minogue sa pag-indak.
Masaya pala ang pakiramdam ng pagiging "tanggap" ng lipunan. Lahat kaming magkakasama, mga bading. Kaibigan sila ng boyfriend ko. Sa Puerto Galera, kahit mag-holding hands kami, kahit na magharutan at magtilian yung iba kong mga kasama, walang problema. Walang panunukso. Normal ang lahat. Walang keme. Alam ng mga tao dito na malaki ang pasasalamat nila sa mga bading dahil kung wala kami, mahina ang kanilang kita.
Lumagok pa ako ng Red Horse kahit na nahihilo na din ako. Sayang naman kasi. Bakit pa ba ako nagpa-order ng isa pang bote? Mabagal pala ang tama ng traydor na Mindoro Sling na iyan. Go Kylie! All I see is you! Napapikit ako sa pag-eemote sa kanta.
Napalingon ako sa madilim na parte ng dalampasigan. Doon sa bahaging walang mga tindahan. Doon sa dilim na iyon, eat all you can hotdogs daw. Kapag pabalik ka na, huwag kalimutang maghilamos sa dagat para hindi naman makita ang sumabog na shumestra sa iyong fez. Puwede rin namang mag-Jean Garcia sa dagat. Hindi naman makikita ng iba. Naku, baka may nag-Reema Chanco pa dun! At wala namang keme bakit ba? Hahahaha. Haha. Ha.
Maya-maya naglalakad na ako patungo doon. Wala naman akong gagawing masama. Titingin lang. To confirm all the rumours about this area. Discovery channel ang effect. Tuluy-tuloy lang ang lakad kahit na natitisod na ako sa buhangin. Paranoid ako dahil mukhang tinitingnan ako ng mga tao dahil mag-isa ang akong naglalakad at karamihan nang papunta sa direksyon na yun ay may kasama. Unti-unting dumilim ang aking kapaligiran hanggang ang buwan na lang ang nagbibigay ng liwanag sa dinaraanan ko.
Noong una, mahirap makita. Hindi pa yata nakapag-adjust ang mga mata sa dilim ko pero may mga tao na nga akong naaaninag. May mga nasa dagat, nasa buhangin. Yung iba nakasandal sa mga bato. Dalawahan, tatluhan, the more the merrier. May mga ibang nanonood lang pero maya-maya may hahatak na din sa kanila. Saan man ako lumingon, para ba akong nasa commercial ng "Kids can tell!"
Sa halip na maintriga at ma-tittilate ay kinabahan ako, napahakbang ako patalikod (ala-pelikula) ngunit may sumundot sa likuran ko. Nag-flashback bigla ang nangyari nung naholdap ako sa Baclaran. Parang ganun din ang eksena. Masikip, mabilisan, mahigpit ang pagkakayakap at may matulis na bagay sa may likuran ko.
"Ayoko!" sigaw ng aking utak. "Ugh, this is not for me!" at nakuha ko pang mag-English.
Pinupuwersa akong lumuhod at i-ano ang ano ng kung sino bang ano ito, pero ayoko talaga. Bakit ba ganun? Bakit ba kapag andyan na, ayoko pala? Ano bang mali sa akin at hindi ko talagang magawa na maging kaladkarin? Sinasampal na ng ano niya ang aking mga pisngi.
Bakit sila, kayang gawin iyon? Kahit ang boyfriend ko, nagawa na maging ganun bago pa kami magkakilala. Oo, napagdaanan ko na din ang phase na iyon pero hindi ako nag-enjoy kahit isang beses. Bakit ganoon? Kulang lang ba ako sa practice? Kulang pa ba ako sa experience? Pero paano ako magkaka-experience kung ayoko talaga?
May mali talaga sa akin. Hindi ko kayang makipag-sex lang sa kung sino-sino. Sa mundo ng kabadingan, isa akong aberration! Isang abnormal na abnormal. This is NOT RIGHT! Ibinuka ko ang aking bibig para humiyaw ngunit isa itong pagkakamali dahil biglang...(ugh)...!
Iminulat ko ang aking mga mata nang matapos na ang kanta ni Kylie. Lumingon ako sa maliwag na parte ng dalampasigan, kung saan naroon ang mga kainan at mga bars. Naaninag ko ang aking boyfriend na naglalakad pabalik. Derecho pa naman maglakad, hindi naman halatang hilo. Ang cute niya talaga. Hehe.
Pagbalik niya, ako naman ang umalis para mag-CR sa kuwarto namin. Hindi ko alam kung lasing na ba ako o madilim lang dahil parang naligaw ako. Hindi ko na mahanap yung eskinita papunta sa tinutuluyan namin. Maraming nakaabang sa mga sulok. Tao at hindi pusa. Hindi ko binalak pang mag-explore. Bumalik ako sa puwesto namin kung saan nakatayo ang aking baby.
"Naligaw ako," sabi ko sa kanya. "Samahan mo ako. Balik na tayo. Inaantok na ako."
"Sige," at nagligpit na siya nang gamit.
"Pero paano na sila?" Nawawala na kasi yung iba niyang mga kasama. Paano kung bumalik sila doon at wala na kami? Saan na ba kasi sila nagpunta?
"Bahala na sila," sabi niya. At naglakad na kami pabalik sa kuwarto namin.
Buti na lang at may baby akong sasabay sa akin. Hindi ko yata kayang makabalik nang mag-isa.
Habang naglalakad kami papalayo, lumingon akong muli sa madilim na bahagi ng Puerto Galera, kung saan maaaring nandoon na ang ilan sa aming mga kainuman. Totoo, hindi ko nga nalaman kung ano talaga ang meron doon pero hindi na mahalaga iyon dahil sa susunod, tototohanin ko na talaga ang pagpunta.
Sa susunod, babalik talaga ako doon... pero siyempre, kasama ko ang aking baby.
Hehehe.
(Sana lang wala akong makitang students doon...)
No comments:
Post a Comment