Wednesday, April 13, 2011

Ang Sarili Mong Gravity

November 17, 2010


Parang kape lang. Mainit. Matapang. Nakakagising. Hindi ko maipaliwanag ang tindi. Matagal na din na panahon at halos makalimutan ko na na may mga ganito palang mga damdamin. Nakakatuwa. Nakakatakot.

Ang mga mata ko. Parang vacuum cleaners lang. Hinihigop ang iyong tingin. Sumisimple. Nagpapanggap. Kung kaya ko lang, hindi na ako titingin sa paligid. Sa iyo lang. Kasi mamaya, aalis ka na naman. Hindi ko maipaliwanag. Makita lang kita, masaya na ako. Nakakatawa. Nakakadiring isipin. Pero totoo.

Ang katawan mo, may sariling gravity. Kapag nagkalapit tayo, pakiramdam ko lilipad ako sa ere at mahuhulog ako sa iyo. Hindi ko iniisip na ganun. Pero ganun na lang talaga. Alam ko palagi kung nasaan ka banda. Laging aware na andun ka.

Kung pwede ka lang yakapin nang wala kang iisiping masama. Kung pwede lang hawakan ang kamay mo at magpakalunod sa iyo. Kung pwede lang akuin lahat ng bumabagabag sa iyo. Kung pwede mo lang malaman na andito ako.

Tanungin mo ako at hindi ko maipapaliwanag kung bakit ganito. Hindi ko alam. Ang alam ko lang, hanggang dito lang ako. Isisigaw ko sa mundo. Sana umabot sa iyo. Na ikaw ang gusto ko.

Alam ko nakakahiya. Alam ko nakakalito. Pero nahihirapan na din kasi ako na itago. Minsan matindi lang talaga.

Sana kahit minsan, mapansin mo din ako.


Konting smile naman diyan o. Hehe. :)

No comments:

Post a Comment