Wednesday, April 13, 2011

C*m-2-me

February 19, 2010

WARNING: For mature readers only. Run away if you are closed to these topics.

***

Sa mundo ng porn, ayos lang. Katanggap-tanggap na lahat sila doon, malibog. Siyempre, pelikula yun. Scripted, unless nagpapanggap na scandal. Kapani-paniwala pa na doon wala silang hiya. Binabayaran sila. Trabaho nila iyon. Kapag nanood ka ng porn, at medyo sanay ka na, hindi mo na naiisip na nakakatakot na may mga ganoong tao talaga sa mundo.

May nakausap ako kanina lang. Medyo expert tungkol sa sex. Naikwento ko ang problema ko tungkol sa casual sex. Tinanong ko kung normal ba na hindi ko siya ma-enjoy. Ang sabi niya, kanya-kanyang preference lang iyan. Yung iba gusto long and romantic. Yung iba, wet and wild.

Wet and wild. Nakakatakot.

Kanina lang din, nakakita ako na iyon mismo ang status message. Cum to me, dagdag pa niya. Nakakatakot. Hindi ko ma-imagine ang sarili ko na maging ganoon kapariwara. Hindi ko maimagine ang sarili ko na bumigay kung ako man ang sabihan noon sa personal.

Sa porn, normal. Pero kapag sa totoong buhay na, kakaiba.

At ang mas malala, ang dami nilang ganoon. Lalo na yung iba na naghahanap ng beyond normal na sex. Yung tipong maramihan. Gang bang. Yung iba pa hindi ko na kayang isulat.

Nakakatakot kasi hindi ko kayang makipagsabayan sa kanila. Sinabi ko na sa sarili ko na hindi ako ganoon. Preference nga daw. Pero tumitingin pa din ako. Naiinggit pa din ako kasi kaya nila at ako hindi. May karapatan sila at ako wala.

Nakakatakot din na may mga tao pala sa paligid ko na may halos perpektong mga katawan. Siguro nasanay na ako sa nakikita ko sa salamin kaya ganoon na lang ang paghanga ko sa kanila. Pero alam mo yun. OMG. Posible pala ang mga nakikita ko lang sa porn.

Sasabihin ko na lang sa sarili ko, "O sige, sila na ang gwapo. Sila na maganda katawan." At kukumbinsihin ko ang sarili ko na meron din ako na wala sila. Pero titingin pa din ako. Maiinggit pa din ako.

Siguro masaya yung ganung pakiramdam. Yung pupunta ka sa beach or sa pool tapos lahat titingin sa iyo kapag naghubad ka na ng shirt. Yung mga malalagkit na tingin. Yung susundan ka. Yung aapproach ka at lalandiin ka. Siguro mas exciting ang buhay nila. Yung tipong isang tingin lang nila sa salamin buo na araw nila.

Siguro kung ganun ako, mas masaya siguro ako. Siguro hahabulin ako. Kaya kong magsabi ng "cum to me" at walang tatawa sa akin. Kaya kong makipagsabayan. Makukuha ko ang gusto kong maka-sex. Invited ako sa mga gang bang...

***

May mga bagay talaga na mahirap tanggapin kahit na alam mong yun lang talaga ang magtatapos sa mga walang kwenta mong pag-eemo.

Meron sana akong magagawa pero ayokong gawin. Kaya wala na akong magagawa kundi tanggapin na wala ako nun.

No comments:

Post a Comment