Wednesday, April 13, 2011

Mommy

July 18, 2009

Mommy, sana may Multiply ka. Para malaman mo ang mga pinagdadaanan ko ngayon. Sabi nila "mother knows best", pero alam mo nga ba na kailangan ko ng tulong mo ngayon?

Mommy sana magaling ka mag-English. Para if ever man, ipapabasa ko na lang sa iyo ang mga entries ko para hindi ko na kailangang pagdaanan pa ang sakit ng pagkukuwento. Para hindi na ako maiyak. Dyahe naman yun, Mommy 'di ba? Iiyak ako sa harapan mo.

Mommy, Mommy bakit ang hirap ng buhay 'no? Mommy kung iminulat mo kaya ako sa mga bagay na ganito, mahihirapan kaya ako nang ganito? Mommy kung niyayakap mo ba ako noong bata pa ako, hindi ba ako magiging ganito ka-desperado na mahalin?

Mommy yakapin mo naman ako minsan... Kasi pakiramdam ko wala nang may gusto sa akin eh. Kasi Mommy lagi na lang akong busted. Subok naman po ako nang subok Mommy pero wala pa din. Minsan nahihirapan na ako Mommy eh...

Mommy kailangan pa bang mag-hinalo na ako para yakapin mo ako? Kailangan pa bang ma-ospital ako para mahalin ako ng mga tao? Mommy bakit ganun?

Mommy gusto ko lang humiga sa tabi mo. Tabi tayo matutulog. Tapos iiyak na lang ako sa iyo Mommy. Kasi hindi ko naman kayang ikwento ang lahat ng ito. Iiyak na lang ako Mommy.

Mommy minsan parang hindi ko na kasi talaga kaya. Mommy sana huwag ka nalang magulat. Mommy sana tanggapin mo na lang.

Mommy

No comments:

Post a Comment