Wednesday, April 13, 2011

Rubber Shoes

March 10, 2010

Tatlong beses pa lang naman kami nagkikita ni L****. Dalawang beses sa kama. Isang beses na sinorpresa ko siya sa trabaho niya. Mamaya, pang-apat na.



UNA

"Marunong ka bang mag-masahe?" tanong niya.

"Hindi."

Kinuha niya ang kamay ko at pinakita sa akin kung paano.

"Ako naman" sabi niya.

Makalipas ang ilang oras.

"Hindi ba magkaibigan lang tayo?" tanong niya.

"Oo"

"Ito bang ginagawa natin, ginagawa ng magkaibigan?"

Niyakap ko siya at tumawa na lang ako. Siya naman kasi ang nagsimula.



PANGALAWA

"Huwag kang malikot, tinitingnan kita."

Maya-maya.

"Alam mo ang ganda ng mga mata mo. Mata lang ha?" Tumawa siya.

Hindi ako sumagot.

"Hindi lang halata kasi nakasalamin ka."

Maya-maya ako naman ang nakatitig sa kanya.

"Huwag mo akong titingnan! Nako-conscious ako..."

Kiniliti ko siya at nagkulitan kami.



PANGATLO

Alas-dos ng madaling araw. Lasing ako at pinuntahan ko siya sa Ortigas.

"Umuwi ka na" sabi niya. "Kaya nga ayoko ng relasyon di ba? Ayoko nang napipilitan."

"Kahit na hindi mo ako sinipot, ayos lang naman sa akin. Wala akong ineexpect."

"Eh ano pa bang magagawa ko, andito ka na?"

Kahit na lasing ako, alam kong ilang minuto din ang lumipas na nakayuko lang ako at walang sinasabi.


KINABUKASAN, GABI

Kausap ko siya sa telepono.

"Alam mo feeling ko, porke't may nangyari sa atin, akala mo tayo na."

"Ha? Hindi!"

"Eh bakit ganyan ka kumilos?"

"Siguro kasi... Gusto kong ipadama sa iyo kung paano ka dapat itrato ng boyfriend mo."

"Alam mo namang hindi ako ready mag-commit ulit di ba?"

"Wala naman akong ineexpect."

"Hindi ko alam ang sasabihin ko sa iyo pero honestly, itigil mo na yang nararamdaman mo kasi para sa aking hanggang friends lang tayo."

Hindi ako nakasagot.

"Alam mo iyon, ang pinaka-ayaw ko sa lahat yung nagkakagusto sa akin. Lalo na yung hindi ko gusto..."

"Ok..."

"Ang gusto ko lang, i-enjoy natin yung moment. Yun lang."

Makalipas ang tatlong oras, nag-text ako sa kanya. Nagpaalam na ako.



KINABUKASAN, UMAGA

Nagising ako sa pag-vibrate ng fone ko. May tumatawag pero hindi ko nasagot.

Nag-text siya: "Call me back."

Tinawagan ko naman.

"Ang gusto ko lang, mag-gamitan tayo. Walang emotional attachment. Ok lang ba sa iyo yun?"

Nag-isip ako at napatawa. Pero yung tawa na walang nilalaman na saya.

"Sige," ang sagot ko.

Hindi ko na siya magiging boyfriend pero gusto niya akong maging fuckbuddy. Malungkot pero pumayag na din ako. Kesa sa wala.



KAGABI

Nag-text siya.

"Wala ka bang iiwang remembrance sa akin?"

"Bakit, aalis ka na ba?"

"Hindi naman. Hehe"

"Ano ba gusto mong remembrance?"

"Pwedeng rubber shoes?"

Napatigil ako. Alam ko na ang patutunguhan nito.

"Seryoso Bry. Kailangan ko ng susuporta sa pangangailangan ko. Alam mo naman breadwinner ako..."

"Ok" sabi ko.

"Pwede bang bawat sex natin, may remembrance? Hehe."

Gumuho na ang mundo ko pero nag-reply pa din ako. Ngayon, hindi na ako fuckbuddy. Sugar daddy na.


***

Kanina, nabasa ko itong quote na ito:

"If a man loves you, he will do anything to keep you around. Anything."

Anything...

Kung pag-ibig nga na walang hinihinging kapalit, nakaya kong ibigay. Rubber shoes pa kaya?

Napangiti na lang ako at naawa sa sarili ko.

No comments:

Post a Comment