Wednesday, April 13, 2011

Back 2 Zero

June 11, 2009

Ang hirap pala magsimula ulit. Ang hirap-hirap. Nakakapagod.

Sabi ko nga kay Bart kanina, mas madali kung straight ako. Kasi mas marami namang girls na okay sa paligid ko. Mas madaling humanap nang mas tugma sa iyo. Sa mundo kasi namin tipong trial and error. Random. Ang hirap.

Tapos iyon, yung mga gusto mo ayaw sa iyo. Hindi ka papansinin. Pasalamat naman ako at may nagkakagusto din sa akin... Yun nga lang, hindi ko sila gusto.

Tsaka yung gusto ko sa girls kasi mas nakikita nila yung mahalaga. Ang mga bading puro sex kasi ang hanap eh. Sa totoo lang naprepressure na din ako mag-gym ulit and all that pero kasi parang confident pa din ako sa sarili ko na I have the things which are more important kaya nawawalan ako ng gana. Oo, superficial din naman ako pero hindi sa ganung extent na babaguhin ko na talaga kung sino ako.

Sana lang kasi ako yung tao na kaladkarin para madaling makalimot sa mga problema. Yung tipong sex dito sex diyan. I mean, yeah, hindi naman ako santo pero hindi ko kasi talaga ma-enjoy yun. As in walang satisfaction. In the end, talagang convinced ako na hindi talaga ako pang-sex lang. Kailangan ko affection. Kailangan ko intimacy.

Hindi ganun kadali pero alam ko na sa huli, makikita ko din kung sino man ang next na karelasyon ko. Hindi ako magkukulang sa pagmamahal at sa katapangan. Kung gusto ko, marami naman akong kayang gawin.

Hehe. Sa huli, alam ko na malalampasan ko din ito. Hindi nga naman siya pwedeng mawala talaga overnight. Hindi naman pwedeng may next relationship agad ako. Confident ako na there are better things yet to come. I am well-equipped naman for those challenges.

Ako pa?! Kaya ko 'to!

Yeah! Nakaka-excite nga actually.

Baka nga nakuha ko na yung glimpse ng future ko kanina lang eh.

Baka lang.

No comments:

Post a Comment