Wednesday, April 13, 2011

Revirginization

January 27, 2010

Hindi porket bastos, wala nang sense. Minsan, medyo nakakainis lang yung mga tao sa paligid ko. Medyo makikitid ang utak. Dahil mga wala pang experience, hindi pa nila maintindihan ang mga ganitong bagay. May mga kwento din namang bastos pero not for the sake of kabastusan lang di ba?

Anyway, tama na ang intro.

Ngayong single na (ulit) ako, nararamdaman ko na naman ang pananabik. Grabe, halos mag-dalawang buwan na rin yata akong walang aksyon. At umaabot na sa alarming levels ang paghihirap ko minsan. As in! Ngayon ko lang din naranasan 'to. At ngayon ko din lang narealize na napakahalaga pala talaga ng sex sa buhay ko.

Tsk tsk.

Hindi ko na nga alam ang gagawin ko minsan. Ayoko kasi pumasok ulit sa bagong relasyon. So kung gusto ko ng sex, casual lang ang pwede. At alam niyo naman ang napakalaking dilemma ko about that. Super hirap! Ika nga ni Moiraine, this is such a quandary!

Ang libog kasi di ba, pabalik-balik iyan. Hindi nauubos. Kapag ngayon nakaraos ka, maya-maya andyan na naman. Grabe talaga...

Kagabi nga lang, may nakipag-cybersex kuno sa akin. Pero YM lang, mind. Di ako open sa mga webcam na iyan. Ayun, parang siya lang na-entertain. Well,ang HOT naman kasi niya so ginawa ko lahat ng powers ko sa pagsulat para lang manatili siyang interested. At in fairness nung nakita niya yung pic ko hindi naman niya ako iniwanan. So go lang ako sa pagkuwento. Weird 'no?! Di ko ma-imagine na ginawa akong parausan ng isang hot na guy. Hahaha!

Actually nag-enjoy din naman ako sa pagbabasa nung turn na niya magkwento. Puro imagination lang naman ang pinagana ko. Walang kamay. Tapos yun, nung natapos na, back to the real world. Kalungkutan at realization na hanggang cyber ko lang naman siyang pwedeng ka-sex. Kasi alam ko na hindi naman niya ko papatulan if ever.

Hay...

Mahirap tanggapin minsan na talagang napakahalaga ng physical attributes sa mundo naming mga bading. Dapat maganda katawan. Gwapo at makinis ang mukha. Halos perfect na sila. Nakaka-insecure sobra ang mga katawan nila dun. Lalo na yung mga mas bata sa akin na super titino ng mga katawan. Diyos ko, bakit ba ako pinagkaitan ng biyaya? Motherfucking genes!

Confident naman ako sa ibang mga bagay na meron ako. Kaso yung mga iyon ay kailangan nang matagalang pagkakakilala na hindi mo makukuha kung hindi mo muna mahuhuli ang atensyon niya sa itsura mo. Ganun naman kasi talaga di ba? Parang mas magtitiyaga kas sa gwapong pangit ang ugali kesa sa pangit na maganda ang ugali. Motherfucking world!

At ang masaklap pa ay dati, naranasan ko din naman na may mga nagkakagusto sa akin. Nung high school. Nung early college. So parang nung nawala na yung itsura ko, mas dama ko. Alam ko naman kasi na siguro average-looking sana ako. But no! I lost it... Kaya yun. Sakit.

Kaya nga minsan, napapaisip ako na sana virgin pa ulit ako. Siguro hindi ko siya hahanap-hanapin kung hindi ko pa naranasan.

Hindi talaga natatapos ang mga isyu sa buhay 'no? Kakatapos lang ng isa, may paparating na naman.

Shet, 25 na ako. Single. Hanging loose. Dangerous and explosive.

Our Lady of Gaga, please heed my prayers. Send me a hot fuckbuddy soon.

No comments:

Post a Comment