June 17, 2009
WARNING: Contains very foul language. Paki-intindi na lang po.
***
Nahihiya ako sa sarili ko kasi parang hindi ko na kayang mabuhay mag-isa. Akala ko kaya ko, kasi madalas mas gusto kong lumabas na mag-isa lang kasi wala kang aasikasuhin, walang babago sa plano mo. Pero parang iba pa rin talaga yung security na kahit hindi kayo magkasama ay mayroong tao na sasagot sa mga text messages mo. May tao na nag-iisip sa iyo.
Nagkaroon na nga ng ibang kahulugan ang "silent fone" sa akin eh, dahil ngayon, kayang lumipas ang isang araw nang walang nag-tetext sa akin. Nakaka-depress minsan kasi may mga "textmate" attempts din ako pero parang hindi sila interested. Check ako nang check sa fone pero ang nakikita ko lang dun ay yung word na "Silent".
Tapos kanina parang shet, gusto ko na i-text ang ex-baby ko kasi nahihirapan na din ako. Na kahit ano man ang pagkukulang niya, parang mahal ko pa din siya. Na kaya kong isantabi yung mga pangangailangan ko para lang maging kami ulit. Resist to the max ako. I have to keep in mind the things that he deliberately did wrong. Like having sex with someone with no valid reason? Like kissing other guys when he doesn't want to kiss me? Putang-ina! Sa isang relasyon, may mga requirements, at kasama dun ang intimacy! Putang-ina ba namang sabihin niya sa akin na pwedeng kami ulit pero walang quality time. Kahit kiss daw wala. Putang-ina mo! May sira ka ba sa ulo?
HINDI SIYA TAO!
Ay, hindi ko kakalimutan ang pag-ako ko (na naman) sa kasalanan nitong breakup away namin. Tapos siya, hinayaan lang ako eh samantalang napaka-klaro na kaming dalawa naman talaga ang may kasalanan. Tapos sasabihin niya mas mahal niya ako at hindi ko alam kung anong nakain niya (bukod sa TITI ng iba) at pilit niyang pinangangalandakan sa akin iyon. Putang-ina ang dami niyang hindi alam! Akala niya to the max na ang pag-ibig niya sa akin at super bait at understanding niya na pwede na siyang kunin ni Lord. Basta satisfied naman ako nung last meeting namin na binaba ko ang aking pride at sinubukan ko talaga siyang intindihin pero siya hindi niya magawa sa akin iyon. At hindi ko na din siya mapaniwalaan ng tunay dahil sa tingin ko nagsisinungaling siya sa akin! Mamatay na siya!
Isa din siyang DUWAG!
Akalain mong todo amin naman ako agad na may ginawa akong kasalanan noong time na hindi kami nag-uusap tapos siya, na meron ding ginawa, umamin lang nung huli! Kumukuha pa daw siya ng bwelo. PUTANG-INA! DUWAG! NASAYANG ANG TITI MO! GUILTY KANG HAYOP KA! Sinabi ko na agad yun dahil gusto ko ngang ayusin ang relasyon natin tapos ikaw hindi mo kayang umamin? GUILTY KA NGA KASI! GAGO! SANA TALAGA MABASA MO 'TO! PLEASE, PAKI-FORWARD NGA SA KANYA.
Hay!
Tapos heto pa ha. Heto pa! Sinabi niya na hindi pa daw siya over dun sa ginawa ko last summer kung saan ako ay nahulog sa isang manggagamit, mapanlinlang at exam-cheater na estudyante. Na kapag may away daw kami, lagi niyang nacoconnect dun. Ako naman, hindi ko alam na hanggang ngayon buhay pa sa kanya ang isyu na yun. So ang sabi ko, sige, bakit hindi natin subukan ulit na ngayon, alam ko na ang source ng problema natin para ma-address ko. Tapos sabi niya, "Ewan ko".
Bahala nga siya.
At heto ang rurok. Sabi niya ang gusto niyang relasyon, yung wala daw problema. At all ha, klinaro ko talaga. At all! Yung uuwi lang sa bahay, matutulog (walang sex, dahil feeling ko mas gusto niyang ka-sex ang iba). Yun! Pero HELLO may relasyon ba na walang problema? Ang sabi ko, hindi naman sa naghahanap ako ng away pero para sa akin, natural na dumarating ang problema sa relasyon. Basta willing to work it out naman ang both parties, eh di ayos tapos sabay silang mag-grow at mas titibay ang relationship. HINDI SIYA NAG-AGREE DUN! Gusto daw talaga niya walang away. TANGA! WALANG GANUN!
Palibhasa kasi, natataranta siya kapag may gulo. Hindi niya alam ang gagawin niya, ang desisyon niya, ang iisipin niya. Talagang totoo yung sinabi ko na may problema talaga siya sa expression. Naramdaman ko yun nung nag-uusap kami. Eh ayaw niyang namamali siya kaya sasabihin na lang niyang gusto niya nang walang away. IBABA MO KASI ANG PRIDE MO PARE! HINDI KA PERPEKTO! Sinabi ko nga na bakit hindi niya matanggap na may mali siyang ginawa noong kami pa, kahit isang beses lang. Yung pag-amin na walang kasaling justifications, na hindi siya tatawa, at hindi ako pagmumukhaing tanga. HINDI SIYA NAKASAGOT!
Pinaikot-ikot lang niya ako nung nag-usap kami. Sinabi ko nang I'm willing to stay with him and try to smoothen out our issues tapos sasabihin niya, hindi na daw. Tapos mamaya sasabihin niya nasasayangan siya, nalulungkot siya. Tapos i-ooffer ko na naman na maybe we can still make it work. Tapos ayaw na naman! As in pumayag na nga ako sa relasyong walang sex ha. Ako, pumayag dun, para lang subukang ma-save pa ang relasyon. Pero ayaw na naman niya kaya sabi ko:
"ALAM MO, ANG MASASABI KO NA LANG SA IYO, LET ME GO. I DESERVE BETTER."
Tapos sasabihin niya gusto niya kami pa din daw in the future... Eventually. In time. GAGO! HINDI AKO LAST RESORT! HINDI AKO SAFETY NET! Sinabi ko nga iyon sa kanya na kung papakawalan niya ako, huwag na niyang isiping magiging kami pa din. Nalungkot ba naman ang loko. AYAW PA KASING UMAMIN NA GUSTO LANG NAMAN NIYANG LUMANDI SA IBA KAYA GUSTO NIYA MAKIPAG-BREAK. NAPAKAFAR-FETCHED PA NG REASONS.
Ang wish ko lang SANA MASAYA KA. Kasi ako, HINDI! Dahil ako ang nagpuhunan sa relasyon na ito. Ako ang sumuyo sa iyo. Ako ang nagpakatanga at nagpakahiya-hiya para sa iyo. Ako ang nagtiis! Hindi na ako nagsalita! At kahit na alam mong sobrang baba na ng tingin ko sa sarili ko kumpara sa iyo, hinayaan mo lang ako.
Pero kahit ano pa man ang sabihin ko dito, mananatili pa din akong single dahil MAHAL PA DIN KITANG HAYOP KA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
No comments:
Post a Comment