Saturday, April 30, 2011

Sa Mga Lugar Na Walang Kama

PAUNAWA: Naglalaman ng maseselang mga tagpo. Maging responsable sa pagbasa.


***


Hindi ako callboy. Hindi ako pet. Hindi ako laruan na naaalala mo lang kapag nalilibugan ka. Nagsasawa na ako. Huwag ka muna mag-text ngayon. Huwag ka muna mangulit dahil isusulat ko muna 'to.


Semana Santa at nagpapahinga ako sa bahay. Nagtatago sa mga tao. Tumatakas panandali. Tapos tatawag ka at mangangamusta. Natuwa ako. Yun pala gusto mo lang ako papuntahin diyan sa condo mo. Sabi ko "Gusto ko magpahinga." Sabi ko "Mahal na araw, bakit hindi ka mag-penitensya?" Naasar ka lang.


Sinabi ko naman sa iyo na hindi ako bastos na puro sex lang ang hinahanap. Tapos ang sinabi mo lang ay may gusto kang gawin sa akin. Na gusto mo akong bastusin. Natuwa ako at gusto mo ang katawan ko. Pero naasar din ako.


Nakakadagdag ng confidence kapag nag-sesex tayo at ang bilis mong datnan. Na kailangan mo akong patigilin dahil malapit ka na. Nakakatuwa na manghang-mangha ka sa ano. Kahit na hiyang-hiya na ako kapag pinipicturean mo ako nang walang saplot, hinahayaan lang kita. Ikaw lang naman kasi ang ligayang-ligaya sa akin. Ikaw lang ang bumubuntung-hininga ng pangalan ko habang magkapulupot tayo at tumatagaktak ang pawis ko sa dibdib mo.


Mahigit isang taon na tayong magkakilala pero hindi pa rin tayo nagkikita sa mga lugar na walang kama. Inisip ko kasi na baka may magawa pa tayo mula dito. Na baka bumalik yung apoy na meron sa atin dati bago mo ito dinuraan. Pero ang lagi mo lang iniisip ay kung kelan tayo mag-sesex. Kapag sinabi kong pwede namang wala, hindi ka na interesado.


Tapos kapag sinabi kong may ka-date ako, magiging competitive ka. Tatanungin mo ako kung sino ang mas gwapo. Magseselos ka at tatanungin mo ako kung bakit ako nagpapakilala ng ibang tao sa mga kaibigan ko. Mag-aaalala ka sa iisipin ng mga kaibigan ko tungkol sa iyo. Tinanong kita, "Bakit? Ano ba tayo?". Sabi mo, "Wala."


Sabi ko sa iyo dati, pwedeng-pwede ka namang maghanap ng iba. Kapag may nililigawan nga ako, hindi kita kinikita. Pero ang tamad mo naman maghanap. Ano yung sinabi mo sa akin dati? Na hindi ka na komportable sa kama mo dahil naiisip mo lang ang mga ginagawa natin doon? Na magkasing-kahulugan na ang pangalan ko sa libog?


Dati ako ang gumagastos para lang may pang-motel tayo. Tapos naging hati na tayo. Ngayon pati pamasahe ko babayaran mo na para lang maka-sex mo ako.


Kung inayos mo lang kasi ang trato mo sa akin noon, e di siguro tayo na. Siguro aabangan ko ang bawat pagkikita natin. Hingi ng souvenir ba kamo? Pambili ng rubber shoes? Ngayon bumaliktad na ang mundo. Ikaw na ang naghahabol. Ikaw na ang hindi makatagal na hindi ako nakikita.


Ayos ka naman. Kaso sana hindi lang isang malaking etits ang nakikita mo sa akin. Hindi lang yun ang malaki sa akin.


Pero alam ko na maya-maya itetext din kita. Maya-maya papunta na din ako diyan.


Medyo matagal na din kasi.




1 comment:

  1. recent lang pala ito...hahahaha...sinanay mo naman kasi siya...

    ReplyDelete