Wednesday, April 13, 2011

Kamusta Na Si Sir Bry?

January 13, 2010

Sabi ng student ko, ang dami raw na nakaka-miss sa akin na mga ex-students ko. Kinakamusta ako. Nakakataba ng puso at naaalala pa rin nila ako.

Sana minsan pwede kong pigain ang kanilang pagmamahal at gawing concentrate. Iinumin ko nang paunti-unti, lalo na kapag malungkot ako. Nakakatuwa na ang itinanim kong pagmamahal sa kanila ay nagbunga naman.

Kung pwede lang maging teacher forever.

Sana Sir Bry na lang ang buhay ko. Wala nang Bryan. Walang Bry.

No comments:

Post a Comment