Wednesday, April 13, 2011

Ang Titik O

December 9, 2010


Friday na at pupunta na naman ako sa O Bar.
Kitakits sa Philcoa, ayos na ayos ang porma.
Pumara na ng taxi dahil handa nang lumandi.
Lahat nakangiti para sa isang masayang gabi.

Sa Ministop sumandali, bili munang yosi.
Dagdag na rin ang Chupa Chups at iba pang kendi.
Tara na, akyat na, sa hagdan ng ligaya.
Batiin ang mga waiters, maipagkamustahan sa manager.

Kapain ang bulsa, ang anda ihanda.
200 mula sa wallet, kapalit ay tatlong tiket.
Ilabas ang braso, tatatakan ng titik O.
You're so ready to go, buksan na ang pinto!

Punta na sa gitnang mesa at tsugi ang iba.
VIP ang lola, ikaw na ang reyna.
Tawagin si kuya at umorder ng vodka.
Di baleng ubos pera, kapalit naman ay saya.

Magsindi ng Marlboro Black, humithit at umindak.
Magtimpla ng Vodka-Sprite, and soon you'll feel alright.
Patumbahin ang isang baso, kulang pa ang walo.
Matutong mag-pacing dahil bawal ang alagain.

Oh yes heto na, andito na ang tama.
Umalis na sa upuan, oras na ng sayawan.
Katy Perry, Kesha, Lady Gaga, at Rihanna.
Itaas ang kamao, humiyaw na parang lobo.

Si Choops napapa-oops, si Mayang gumegewang.
Si Cathy nangangati, si Judimar jinajabar.
Si Juna nangunguna, si Andrew may ka-do.
Si Chase nag-2nd base, si Bry naglalaway.

Lumalalim ang gabi, mga boys dumarami.
Ang bar ay sumisikip, mga pwet niyo'y nagdidikit.
Bulungan si Karen at ituro ang hot men.
Malalagkit na mga tingin, mas malandi pa sa kambing.

Pagsapit ng ala-una, ledge dancers lalarga na.
Lahat ng mga mata, sa topless guys nakatoka.
Kung di sila gumagalaw, paniguradong sila'y tunaw.
Wawa naman si girl dancer, na sabi nila kamukha ni Flaire.

Pagtigil ng musika, lalabas na ang mga Diva.
Mga etits nakaipit, yung iba pa nga gupit.
Performance sa entablado, minsan may dala pang dildo.
Pagkatapos ng kanilang numero, lahat napapa-bravo.

When the music comes back, abangan ang Tik-tok
Sa stage maghatakan para doon mag-gilingan.
Idikit ang mga katawan, malisya'y wala naman.
Pero kapag ni DJ inilawan, lahat sila'y magbababaan.

Bumalik sa mesa, mga bote'y matutumba.
Gustong magpahinga dahil baka masuka.
Iikot ang mundo pero walang susuko.
Maya-maya paglingon mo, wala na si Mr. Manongdo.

Biglang babagal ang musika, uwian time na pala.
Sa pagkalimot mo sa mundo, inabutan ka ng alas-singko.
Mag-focus man sa daanan, susuray ka din naman.
Madadapa sa may hagdan pero itatawa na lang.

Sabado ng umaga at sa dorm ako'y pauwi na.
Hanapin ang susi, ako ay nagmamadali.
Pagpasok sa kuwarto, sa CR dederecho.
Iyuyuko ang ulo sa bunganga ng inodoro.




No comments:

Post a Comment