January 19, 2009
Minsan hindi ko talaga maiwasang maasar sa mga kakilala kong certified bading na pilit pa ding nagtatago, lalo na sa... ehem. Hindi ko mainitndihan kung bakit ayaw pa nilang mag-out eh samantalang bukambibig na naman ng lahat ang kanilang kachurvahan. Hay ewan. Minsan tuloy naiisip ko kung mali ba ako at dahil umamin ako sa buong mundo. Sadya ba akong naiiba dahil sa lahat ng kilala ko, mga dalawa pa lang out of 20 (siguro) ang tunay na umOUT.
Sabi ng friend ng friend kong alam kong bading, dapat daw tingnan ko ding strong yung mga ayaw mag-out dahil kaya nilang kontrolin. Ang sabi ko naman, "DUH!". Nakakaasar talaga kung bakit may mga taong mapagpanggap. Nakakaasar! Knowing na mga graduates na sila, bakit napaka-immature pa din ng pag-iisip. Bakit napakaduwag pa din na harapin ang katotohanan.
Heto na nga ako, paving the way for them, but NO! Walang sumunod sa mga yapak ko. Hindi ba nila alam na kami-kami ang dapat na magtulungan? Hindi ba dahil ayaw nila mag-out kasi NAHIHIYA sila? Eh nakakahiya lang naman yun kung iniisip mong nakakahiya nga. So parang ang tingin nila sa sarili nila ay mababa? Hay naku! Kailangan nating ipamukha sa mga hindi nag-iisip na ang pagiging bading ay hindi dapat ikahiya! Kasi kung mag-iisip ka talaga nang maayos, alam naman nating lahat na ang mga nang-ookray ang MALI, kaya kapag pumayag tayo sa idinidikta ng society, eh di tinanggap na nga nating tama sila. Hay mga bading! Magka-backbone naman sana yung iba sa inyo.
Tapos heto pa, may mga nagpapanggap na "BI" daw sila. Dyusme lang ha, sana lang totoo yan. Porke't ba BI mas medyo katanggap-tanggap? At kung makapagsabi na BI sila... Pare, asan ang girlfriend mo? Aber?
Hindi naman sa nagmamagaling ako pero at least ako I was honest na BI ako (at least dati) and certified yun at walang halong pagpapanggap!
Hindi lang alam ng mga tao sa paligid ko na minsan talaga, pinipilit ko lang ipamukha sa mga tao na bading ako para lang ma-desensitize sila at tanggapin na nila ako. So ngayon, kitams, tanggap na nila ako! At walang nagbago sa pagtingin sa akin ng mga true friends ko. Kailan ba talaga nila marerealize na walang mawawala sa kanila kung maga-OUT na sila? Kailangan ko pa ba silang i-confront?
Oh well, sabi ko nga sa class ko kanina, mahirap kasi magpanggap or magsinungaling kasi effort yun. Kailangan mo i-maintain yung front na yan at all times, and I know, napakahirap nung feeling na hindi mo ma-express ang tunay mong feelings. Nakakabaliw yan! Nakaka-depress. Ako kasi ayoko na magkaroon ng psychological damage pa kay lumadlad na ako. Napagod na ako eh. Narealize ko na I'm bigger than those who look down on me kaya hindi ako magpapadikta sa kanila.
Hay mga friends, para mabago natin ang lipunan, kailangan nating magtulong-tulong. Lalo na't lumalaki ang ating populasyon! Sa... ehem nga eh parang majority na yata ay hindi straight. Parang every other day may naga-OUT. Hahahaha.
Kaya please, kung may natamaan man, show them that you're PROUD to be who you are. Nagsisimula yan sa sarili mong pagtingin. Iba yung tanggap lang pero quiet eh. Be PROUD dahil nag-iisip ka. Be PROUD dahil matapang ka. Isang statement lang na, "Oo bading ako. I love me more." Hehehe.
Heto na naman ako, carried away. Sasabihin ng iba walang pakialamanan... Basta ako, wish ko lang, makarating na kayo sa state ko. Kasi masaya dito. For your own good din naman ang iniisip ko. Yun lang.
Sino pa bang magtutulungan kundi tayo-tayo di ba?
Kaya nga "gay community" eh...
We are gay, este, we are a community.
P.S.
Pero wala akong sinasabi na perfection na ako about these things. I admit na minsan, may mga lapses at biases din ako. Pero I do my contribution when I can. Yun lang. :)
No comments:
Post a Comment