Wednesday, April 13, 2011

XXX

December 7, 2008

X3. Tatlong eks. Tatlong tao. Tatlong taon. Tatlong beses na sumubok sa bawal na pagmamahalang guro at estudyante. Tatlong beses na sumagap nang hindi mapapantayang tapang para umamin. Tatlong beses na lumipad nang pagkataas-taas. Tatlong beses na umasa para lang mas sumubsob sa lupa pagkabagsak.

Halong sakit at katatawanan ang nadarama ko kapag naaalala ko ang mga pinaggagawa ko noon. Masakit, hindi dahil tatlong beses akong nabigo, kundi dahil hindi nabigyan ng hustisya ang lakas ng loob na inipon ko para lang magtapat. Sa halip na kausapin nang matino, o sabihin nang maayos na na-appreciate nila ang damdamin ko, ako ay nilayuan pa. Hindi ko maintindihan noon kung bakit. Ngayon alam ko na kung saan ako nagkamali - hindi kami pareho mag-isip, yung mga tatlong tao na iyon.

Naisip ko na kung ako sila, ito ang mga gagawin ko. Na sasabihin kong sorry pero wala akong romantic feelings para sa iyo. Na sasabihin kong pasensya na kung ito ang inakala mo pero wala akong ipinahihiwatig na ibang pagtingin sa iyo kundi ang sa isang kaibigan. Na ikinatutuwa ko na magkaroon ka ng ganyang feelings sa akin pero hanggang kaibigan lang ang turing ko sa iyo. Hindi ba napakadaling gawin lang ang mga iyon? Bakit ba napakasakit pa nang ginawa nila sa akin? Putang-ina, ang tatanga kasi nila.

E hayun nga, hindi kasi kami pareho mag-isip.

Kaya bilang mas nakakaintindi sa sitwasyon, ang sarili ko na lang ang sisisihin ko. Kasi ako naman itong tanga na hindi naisip na magiging iba ang pag-interpret nila sa mga sasabihin ko. Na ako itong si tanga na inubos ang brain cells sa pag-intindi kung bakit lagi na lang akong sinasaktan nang ganito.

Ako ang mali.

Ako ang pinakatanga sa lahat. Kaya simula ngayon, aware na ako na iba ako mag-isip kaysa sa karamihan. At dahil iba ako, ako na dapat ang umintindi. Imbis na mang-alipusta o magalit kapag may gumawa nang mali sa akin, iintindihin ko na lang kasi ako ang may kapasidad na tumanggap sa sitwasyon. Ano pang silbi ng mga angas ko kung hindi din naman nito mapapabuti ang sitwasyon? Di ba? Sayang lang energy ko.

Basta ang alam ko, kahit na may pagkukulang ako, hindi ako normal na tao. At yung tatlo na iyon na walang habas akong sinaktan, na walang pakialam sa nananakit kong damdamin, malalaman din nila balang-araw ang kawalan ko. Iyon lang.

Pero kahit na ganito man ang sitwasyon, hindi naman ibig sabihin na bato ako. Masakit pero sa akin na lang iyon. Ako ang nakakaintindi eh.

Hay bwiset. Napakadrama ng buhay.

Bwiset!

Hahahahaha!

Pero ako pa din ang pinakamasaya sa aming lahat! Kasi ako ngayon, may love life. Sila wala! Hahahahahahahahahahaha!

Baliw!

Hahahahahahaha! Makapag-yosi nga. Ala-una na!

No comments:

Post a Comment