Wednesday, April 13, 2011

Beta

April 17, 2008

Hay sir bry, isa kang malaking tanga. Hindi ka natututo. Sa mga nangyari na sa iyo dapat alam mo nang walang patutunguhan ang ganito. Pero tuloy ka pa din. Wala kang pag-asa.

Wala ka nang dahilan. Hindi ka single. Wala kang karapatang tumingin sa iba. Wala kang karapatang umasa. Sino ka ba nga naman sa kanya? Wala. Wala ka sa kanya. Ang tanga tanga mo. Bobo.

Ano na lang ang sasabihin ng mga tao sa iyo? Mahina ka. Wala kang backbone. Hindi mo kayang mag-commit. Puro ka da moves. Walang patutunguhan iyan tangina mo tumigil ka na. Gago. Isa kang napakalaking gago.

Ano na lang ang sasabihin niya sa iyo? Wala kang kuwenta, sir bry. Walang magtatagal sa iyo kung ganyan ka. Huwag ka nang umasa na magugustuhan ka din niya. Gago! Hindi mo kasi ginagamit ang isip mo. Puro ka mata. Puro ka puso. Walang utak. Walang memory.

Ilang beses na ba naulit ito? Dalawa! At sa dalawang beses na iyon may napala ka ba? Wala! Nasaktan ka lang at alam mong kasalanan mo din naman. Tapos heto ka na naman. Titser ka lang gago. Hanggang dun ka lang. Nasaan na ba kasi ang utak mo?

Oo. Meron siyang mga bagay na wala sa baby mo. Meron siyang mga bagay na wala sa iyo. Oo totoo yun. Pero hindi lahat ng gusto mo makukuha mo. Hindi mo pa rin natutunan iyon hanggang ngayon. Dakdak ka lang nang dakdak sa klase pero ikaw mismo nakakalimutan din ang mga pinagsasabi mo. Paulit-ulit ka lang. Ikaw ang bagsak sa "life". Ikaw ang singko.

Ganyan talaga, sir bry. Ganyan talaga ang relasyon. Minsan masaya minsan hindi. Hindi ka makakahanap ng perpekto para sa iyo. Wala ka. Olats ka. Loser ka. Sinong magkakagusto sa iyo? Wala! At siya pa ang gusto mo? Gago. Magising ka nga sir bry. Itigil mo na yang iniisip mo.

Ano nga iyon ang sasabihin sa iyo ng baby mo kapag nalaman niya ito? Ano na lang sir bry? Sa lahat ng ginawa niya para sa iyo! Puro na lang kakulangan ang nakikita mo! Hindi dahilan ang paghahanap ng experience! Ganun talaga. May mga bagay na hindi mo na pwedeng gawin gago ka. Huwag kang magmagaling kasi hindi ka magaling. Titser ka lang gago. Hanggang blackboard ka lang para sa kanya.

Ano. iiyak ka na naman? Kasi hindi mo magawa ang mga gusto mong gawin? Kasi kahit pag-iisip lang nang ganun hindi na pwede? Bakit may mangyayari nga ba? Paano mo malalaman kung hindi mo susubukan.

Akala mo ba makukuntento ka sa lahat ng mga taong makakasama mo?

Pinasok mo ang sitwasyon na ito. Tapusin mo. Kung totoong ayaw mo, tapusin mo.

THIS WILL PASS

THIS WILL PASS

THIS WILL PASS

Huwag kang madedevelop! Kontrolin mo ang sarili mo. Mag-isip ka sir bry. Mag-isip ka naman. Huwag mo nang gawing tatlo parang awa mo na. Sapat na yung dalawa. Tama na.

Tama na!

***
PAULA COLE BAND - PEARL
Humility on Bleecker Street
Exposed my faults until I'm left defeated
It's been three years into this relationship
This is longer than I ever could commit
But I feel I'm near
But I feel my fear


I'm standing at the edge of another precipice in life
Gotta face my steppenwolf
Gotta drag you through the mud
When I get there I will see myself
I will look for strength within
I will be a better woman
Hang in there baby
I'm the grain of sand becoming the pearl


There are no roll models in rock 'n' roll
No women who could have it all
The long career, the man, the happy family
And here I stand and god I do demand it
And I feel I'm near 
But I feel my fear


I'm standing at the edge of another precipice in life
Gotta face my steppenwolf
Gotta drag you through the mud
When I get there I will see myself
I will look for strength within
I will be a better woman
Hang in there baby
I'm the grain ofsand becoming the pearl


It's dark in here
Don't know who I am
Memories come
I'm wading through the moon
Evil side
Wants to drag me down
Will power
God please give me some
(I'm hanging onto hope now)


I'm standing at the edge of another precipice in life
Baggage from my family
Going back to therapy
I will kneel, be humble, tow the weight
I will look for strength within
I will be a better woman
Hang in their baby
I'm the grain of sand becoming the pearl .

No comments:

Post a Comment