Wednesday, April 13, 2011

Mahal Ko Si God

May 27, 2009

...kaya puwede na ba akong pumunta ng langit? Kasi minsan ang hirap na kasi ng buhay eh. Kasi minsan, gusto ko lang Siyang tanungin kung bakit ganito. Maiintindihan naman ni Mommy eh kung mauuna na ako. Maiintindihan niyo naman 'di ba? Bakit kayo iiyak eh pupuntahan ko nga si God. Duh?! Sabi niyo naman may heaven 'di ba?

Pupunta lang ako dun. Makikipag-appear kay God. Sasabihin ko, "Wala God eh, talo ako. Hindi ko kinaya. Ang unfair kasi sa lupa eh..."

Tapos siguro iiyak ako, kagaya ngayon, pero at least i-cocomfort ako ni God dun. At least maipapaliwanag niya kung bakit ganun ang buhay.

Minsan ang tagal lang maghintay. Minsan nakaka-frustrate lang. Kagaya kanina, may friend ako na ka-chat. Tapos siya na lang yung medyo nagpapasaya sa akin nang kaunti kasi masayahin siyang kausap. Tapos nag-attempt ako mag-emote, sabi ko umiiyak ako ngayon kasi sinusulat ko 'to. Tapos pinabasa ko nang kaunti yung umpisa. Kasi umaasa ako na baka i-comfort niya ako nang kaunti lang. Or baka tawanan lang niya at matatawa na rin ako. So I sent the message na. Tapos biglang reply niya tulog na daw siya. Hindi pa niya nababasa yung message ko.

Minsan... Minsan nakaka-frustrate lang.

Minsan, mahirap lang talaga...

Minsan, alam mong wala ka naman ksing magagawa kaya mag-blog ka na lang dito sa Multiply. Contact ko naman si God eh. 'Di ba?

No comments:

Post a Comment